Mga orgnayser at tagapagsalita sa pagsasanay ng peryodismo sa bagong normal:
Sa pamumuno ng mga mag-aaral ng MAEd Communication-Arts Filipino ng PANGASINAN STATE UNIVERSITY – School of Advanced Studies ay sumailalim sa pagsasanay sa pamamahayag na mahigit 1000 mga guro at mag- aaral mula sa Pangasinan at iba pang bahagi ng bansa noong Abril 8-10,2021.
Pinangunahan ni Gng. Mary Ann C. Macaranas, propesor sa nasabing unibersidad, at suporta ng mga mag-aaral mula sa MAEd Filipino, ay maigi naisagawa ang puspusang pagsasanay para sa mga guro at batang peryodista na naglalayong palawakin pa ang kaalaman sa pamamahayag.
Inanyayahan sa unang araw ng webinar ang tatlong tagapagsalita na tumalakay sa iba’t ibang paksa sa pamahahayag.
Tinalakay ni Bb. Princess Arjhel F.Alberto ang pagsulat ng balita. Si Bb. Andrea T. Parajas, isang guro mula Calasiao, ang siyang naging tagapagsalita para sa panradyong pagbabalita. Nagbahagi naman si G. Alvin Sy, isa sa mga DepEd Teacher- Broadcaster, ng kanyang kaalaman patungkol sa pantelebisyong pagsasahimpapawid.
Binigyang diin ni G. Erick B.Ancheta ang kanyang paksa tungkol sa Lathalain o Feature:Ang Sining ng Pagsasalaysay ng mga Totoong Kuwento”nagbigay rin siya ng mga tips upang mas maging maganda at epektibo ang isusulat na lathalain.
Tinalakay naman ni Dr. Renato R.Santillan ang paksang “Patas at Totoo sa Pagsulat ng Editoryal Mata at Boses sa Bagong Normal” na kung saan binahagi niya ang mga hakbang o paraan sa pagsulat ng isang mahusay na editoryal sa mga paksang napapanahon lalo na sa gitna ng pandemya.
Ang Peryodismo sa Bagong Normal ay isang palihang nagpapalakas at nagpapakita ng maalab na pakikibaka ng mga mag-aaral ng MAEd- CommArts-Filipino para sa kahusayan ng pamamahayag sa ating Naging positibo naman ang tugon ng maraming kalahok sa ginanap na webinar. Ayon sa ilang mga mag-aaral at gurong lumahok, ang webinar ay nagbigay-daan sa kanila upang mas maunawaan ang mahahalagang konseptong nakapaloob sa pamamahayag.